INILAGAY ni tennis prodigy Alex Eala ang Pilipinas sa tugatog ng tagumpay sa international tennis bunsod nang makasaysayang panalo sa junior doubles event ng 2020 Australian Open -- unang major tennis oturnament ngayong season.

Eala

Eala

Bunsod nito, tumalon sa No.4 ang world ranking ng Pinay junior star at Globe Ambassador.

Kasangga si Indonesian Priska Nugroho, ginapi nila ang tambalan nina Ziva Falkner ng Slovenia at Matilda Mutavdzic ng United Kingdom sa straight sets, 6-1, 6-2, para sa kampeonato.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Umusad sa Finals ang tambalan nina Eala at Nugroho nang pabagsakin ang liyamdo at top seeded pair nina Kamila Bartone ng Latvia at Linda Fruhvirtova ng Czech Republic sa semifinals.

Sa nakamit na panalo, nakolekta ng 14-anyos ang kabuuang 1,718.75 puntos sa singles ranking pata makatalon mula sa dating kinalalagyan na No.9.

Niatala ni Eala ang dalawang panalo sa singles event ng naturang torneo bago nagapi ni Yi Cody Wong ng Hong Kong sa third round.

Naging Globe Ambassador si Eala noong 2016, ngunit bago ito suportado ng Globe ang kampanya nia Eala at pagsasanay mula noong walong taon pa lamang ang tennis junior star.