Hindi pa rin sumusuko si 2-time ONE lightweight champion Eduard Folayang hangga’t hindi mahablot ang ikatlong titulo nito.

Sa panayam, sinabi ni 35-anyos na TeamLakay veteran na kaya siya natalo dahil lamang sa miscalculations sa laban niya kay Pieter Buist ng The Netherlands, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, nitong nakaraang Biyernes ng gabi.

“Lukewarm [ang timpla],”tugon ni Folayang hinggil sa pagsisimula ng kanyang 2020.

“Kagandahan doon nasasplit naman. It means hindi malayo o nasa atin lang siguro kung ‘yung puso natin susuko. Pero tingin ko, hindi tayo sumusuko.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa kabila ng impresibong ipinakita sa unang dalawang round, nahirapan si Folayang dahil sa tangkad at reach advantage ni Buist lalo na sa huling segundo ng laban.

Lalong nagpahirap kay Folayang ang last minute change ng kalaban matapos lalong pagreatsada nito sa laro.

“Magsisinungaling ako ‘pagsinabing ‘di painful [‘yung talo,]” ayon kay Folayang, na may tangang 22-9 record.

SA huling third round, pumalag ang 6-foot-2 na si Buist sa low kick ni folayang nang magpakawala ito ng solid na headkick.

Doon ko na-realize natalagang matangkad pala siya. Siyempre alam kong gusto niyakong tapusin pero naka-recover naman agad ‘yung utak natin.”

-Jan Carlo Anolin