Hindi pa man pormal na sinisimulan ngunit isang malaking dagok na ang tumama sa kampanya ng San Miguel Beer para sa target nilang ika-anim na sunod na PBA Philippine Cup title.

fajardo

Ito’y matapos na muling magtamo ng injury ng kanilang main man at reigning league 5-time MVP na si June Mar Fajardo na posible mag sideline sa kanya sa kabuuan ng first conference ng Season 45 o kung minamalas ay maaaring sa buong season.

Sinamang-palad na muling ma-injured ang lulod o mas kilala sa tawag na “shin injury” ng Cebuano slotman.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagtamo na rin sya ng parehas na injury noong 2018 Governors Cup na naging dahilan upang mamahinga sya ng dalawang buwan.

Ngunit sa pagkakataong ito, balitang mas matindi ang naging injury ng 6-foot-10 na si Fajardo kung kaya pinangangambahang matagal din syang hindi makakalaro.

Dahil dito, malaking kawalan kung sakali para sa Beermen si Fajardo lalo pa’t walang posibleng pumalit sa kanya ngayong wala na sa kanila ang Fil-German na si Christian Standhardinger na nai-trade na nila sa Northport noong nakaraang season.

Nakatakdang magsimula ang PBA 45th Season Philippine Cup sa Marso 1 sa Araneta Coliseum kung saan nakatakdang makasagupa ng Beermen ang Magnolia sa rematch ng nakaraang taong finals para sa solong laro sa opening day.

Kapag nagkataon, hindi rin makakalaro si Fajardo para sa Gilas Pilipinas para sa mga susunod na windows ng Fiba Asia Cup qualifiers pagkatapos ng unang window sa buwang ito kung saan hindi sya isinama sa pool upang makapagpahinga.

-Marivic Awitan