MAY pictorial sina Lovi Poe at Tony Labrusca para sa pelikulang gagawin nila sa Viva Films at puring-puri ng lahat ang aktres dahil napakabait daw at ramdam nila ang sinseridad nito.

LOVI

Hiningan kami ng reaksyon tungkol kay Lovi at binanggit namin na napakabait na tao ng dalaga, walang ereng mararamdaman, napakamalumanay magsalita, napakagalang at kahit may mga negative write-ups ay ngingitian lang niya at saka ipapaliwanag ang sarili.

At higit sa lahat, kahit ilang taon na kayong hindi nagkita, marunong makatanda ng at sabay tanong, ‘it’s been a long time, kumusta po kayo.’ Sa mga kaedarang aktres ngayon ni Lovi o mas bata pa, bilang lang sa daliri sa kamay ang may ganitong ugali kaya kahit hindi namin madalas nakakausap o nakikita ang aktres, hindi nagbabago ang papuri namin sa kanya.

Singer Olivia Rodrigo at boyfie, spotted daw sa Intramuros?

Kaya naman maraming blessings kay Lovi kahit na matagal siyang nawawala ay laging may nakaabang na projects sa kanya pelikula o telebisyon.

Anyway, maganda ang kuwento ng pelikula nina Lovi at Tony na ayaw pang ipasulat kung ano dahil may pagka-mystery ito mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

-Reggee Bonoan