STAR-STUDDED ang much anticipated na Philippine version ng Descendants of the Sun ng Korea. Sinubaybayan ng mga manonood sa buong mundo ang koreanovelang ito dahil sa makabuluhang kuwento at lovable characters na relatable sa lahat.

20200203_134150

Makakasama nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, gaganap bilang sina Captain Lucas Manalo o Big Boss at Dr. Maxine dela Cruz o Beauty, sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith. Gagampanan naman ni Rocco si Technical Sergeant Diego Ramos a.k.a. Wolf at ni Jasmine si Captain Moira Defensor.

Tulad ni Lucas, matapang at maginoo rin si Diego na ipagpapalit ang pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng kapwa o ng nakararami maging ang kanyang pinakamamahal na si Moira. Pero ipaglalaban at hindi basta-basta isusuko ni Moira ang pagmamahalan nila.

Events

Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal

Excited ang Filipino audience simula nang i-announce ng GMA Network last year na nakuha nila ang rights na i-remake ang television series. Pero higit na excited ang mismong mga bida na maihandog na ito sa viewers.“Matagal na rin naming hinihintay na mapanood ito ng mga viewers natin,” masayang sabi ni Dingdong.

“Story-wise, may tweaks to make it more Pinoy, pero hindi nawawala ‘yung mga elements na nagustuhan ng tao. We’re very excited for this series and we’re very proud of it.”

“Excited kaming lahat kasi talagang napakalaki ng bawat eksena,” salo ni Jennylyn. “Ang hirap niyang gawin pero worth it siya kasi lahat nagtitiyaga at nagtutulung-tulong. Mula sa direktor, sa mga artista, ‘yung buong production team, lahat kumikilos para mapaganda ‘yung show.”

Antipatiko kay Beauty si Big Boss sa kanilang unang pagkikita. Iniwasan ng doktora ang sundalo pero lagi naman silang pinagtatagpo ng tadhana. Nang magkasundo at magkaigihan kalaunan, lagi namang naa-assign sa iba’t ibang misyon ang kapitan. Pero mas mananaig ang pag-ibig laban sa anumang pagsubok na pinagdadaanan nila.

Makakasama rin nina Jen, Dong, Rocco at Jasmine sa pagsagip ng buhay ng mga kababayan bilang masisipag na doktorbat nurses sina Pancho Magno as Dr. Daniel Spencer; Renz Fernandez as Dr. Earl Jimeno; Chariz Solomon as Nurse Emma Perez; Andre Paras as Dr. Ralph Vergara; Nicole Donesa as Nurse Via Catindig; Reese Tuazon as Dr. Sandra Delgado; Jenzel Angeles as Nurse Hazel Flores; at Bobby Andrews as Eric Feliciano. Gaganap na military officers sina Antonio Aquitania as Lt. Col. Bienvenido Garcia; Ricardo Cepeda as Lt. Gen. Carlos Defensor.

Dating snatcher na naging sundalo si Paul Salas bilang Marty Talledo at makakasama niya sa mga laban sina Jon Lucas as Staff Sergeant Benjo Tamayo or ‘Harry Potter’; Lucho Ayala as Staff Sergeant Alen Eugenio or ‘Snoopy’; at Prince Clemente as Sergeant First Class Randy Katipunan o ‘Picollo’.

Magiging kapana-panabik ang mga misyon nila laban sa mga rebeldeng gagampanan nina Neil Ryan Sese as Rodel dela Cruz; Ian Ignacio as Greg Abad; Rich Asuncion as Janet Pagsisihan; at Carlo Gonzalez as Val.

Samantala, gaganap bilang ama ni Lucas si Roi Vinzon as Sgt. Major Abraham Manalo; at kapatid si Hailey Mendes as Judith Manalo. Si Marina Benipayo as Olivia Dela Cruz naman ang ina ni Dr. Maxine.

May exciting cameo roles sa DOTS Ph sina Tonton Gutierrez as Gen. Cruz; Sophie Albert as Dr. Liza Ayson; Kim Rodriguez as Denise; Addy Raj as Alif Fayad; Ronnie Henares as Manager Ed; Mark Herras as Orly; at Gabby Eigenmann as Sen. Ricardo Sintallan.

Mula sa direksiyon ni Dominic Zapata ang DOTS Ph.

“I may have made some compromises in making this show, but I promise you, our viewers, that I am not compromising your trust in the craft,” pahayag ni Direk Dom. “I will not compromise the quality and your expectations of Descendants of the Sun and I will not compromise us Filipinos doing a Filipino adaptation of this widely-loved koreanovela.”

Mapapanood na ang romantic-drama series simula sa Pebrero 10, pagkatapos ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

-DINDO BALARES