KUMPIYANSA ang probinsiyal na pamahalaan ng Davao Oriental na makakukuha ito ng malaking pondo, na P15.5 billion mula sa pambansang pamahalaan ngayong taon, upang matugunan ang mga high-priority projects sa mga barangay na kinilala bilang conflict-affected areas at geographically isolated and disadvantaged Areas (GIDA), ayon sa inilabas na pahayag nitong Sabado.
Ang mungkahing halaga ay resulta ng idinaos na workshops ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa lungsod na ito, kamakailan.
“The Davao Oriental Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), along with its counterparts from other provinces in the region, came up with a comprehensive list of proposed priority programs, activities, and projects (PAPs) which bid to alleviate poverty and address the issues on insurgency,” mababasa pa sa pahayag.
Nagmungkahi ang Davao Oriental ng mga proyekto na nagkakahalaga ng kabuuang P15.5 billion kung saan kabilang ang mga proyekto para sa imprastruktura, pangkabuhayan at pagsasanay, kasama ang iba pa.
Mula sa mga nakalistang proyekto, tutukuyin ng cluster member-agencies
Ang proyekto na isasakatuparan para sa 2020 at 2021.
Ayon kay PTF-ELCAC Vice Chairman Ednar Dayanghirang, para sa dalawang distrito, nagmungkahi ang Davao Oriental ng big-ticket road projects na mangangailangan ng P7.4 billion para sa barangay Tubaon sa bayan ng Tarragona, Taocanga sa Manay, Pichon sa Caraga, Binondo sa Baganga, at Simulao sa Boston, pawang mga nasa unang distrito.
Para sa ikalawang distrito, kasama ang Barangays Mahayag sa Banaybanay, Sudlon sa San Isidro, Marayag at Maragatas sa Lupon, atTagbinonga sa lungsod ng Mati. Ang listahan ay mula sa priority list ng Philippine Army (PA).
Samantala, sa isang panayam, sinabi ni Governor Nelson Dayanghirang na naglaan na ang pamahalaan ng P35 billion para sa 12 cluster sa ilalim ng ELCAC.
“Our problem on insurgency basically stems from poverty and the absence of government services in the hinterland areas. So, we really need to
harmonize all our efforts to end this problem once and for all,” aniya.
“I think this is the right time that we address this issue. We have to prioritize livelihood and accessibility. The sooner we address these issues, the sooner we solve the problem on