Matapos ang naging matagumpay na pagbabalik ng pagdaraos nila noong nakaraang taon ng kanilang overseas games last season, plano ng PBA na magsagawa ng karagdagan pang laro sa kanilang darating na 45th season.
Noong nakaraang 44th Season Governors' Cup,nagsagawa ang PBA ng back-to-back games sa Coca-Cola Arena sa Dubai kung saan naglaro ang San Miguel Beer, NLEX at Barangay Ginebra.
Sa kanilang katatapos na annual board meeting sa Milan, Italy, maliban sa Dubai, kabilang sa mga lugar na planong pagdausan ng out-of-the country PBA games ay ang Riyadh at USA.
Sa darating na 2020 Philippine Cup, kasado na ang mga provincial games sa Bataan, Cagayan De Oro, Panabo, Dipolog at Iloilo.
Wala pang detalye kung kailan gagawin ang mga planong out of the country games na inaasahang tatalakayin sa mga susunod na PBA board meeting.
-Marivic Awitan