Panibagong linggo na naman ang sinimulan ngayon sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pamamagitan ng kanilang flag ceremony na nagaganap tuwing Lunes ng umaga.

Gaya ng nakaugalian na, nagbigay muli ng kanyang mensahe si PSC chairman William “Butch” Ramirez sa harap ng mga empleyado ng ahensiya na masipag dumalo sa flag raising ceremony.

Isang makabuluhang mensahe muli ang ibinahagi ng PSC chief, na nagbibigay inspirasyon sa mga empleyado ng naturang ahensiya.

“Ang totoong edukasyon ay hindi itinuturo sa classroom ng maestro. Ito ay isang bagay na nasa puso at isip ng tao,” pahayag ni Ramirez.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naging isang inspirasyon para sa maraming empleaydo at maging sa mga national athletes ang bawat mensahe ipinapahayag ni Ramirez.

Sa kasalukuyan ay naghahanda ang ahensiya para sa nalalapit na hosting ng 10th ASEAN Para Games na gaganapin sa Subic at New Clarck City ngayong Marso 20 hanggang 27.

Ilang serye na ng pagpupulong ang naisagawa ng ahensiya kaugnay ngpaghahanda para sa nasabing hosting ng naturang biennial meet.

-Annie Abad