HOUSTON —Kabisado na ni Houston coach na si Mike D’Antoni ang mga kilos ni James Harden kung kailan ito puputok sa kanyang laro.

harden

Ngunit aminado siya na hindi niya inaasahan ang agad na pag-iinit ng manlalaro sa kanilang laro nitong Linggo ng gabi, (Lunes sa Maynila).

“I can go home and go to bed now. Before I wouldn’t be sleeping much,” ayon ka D’Antoni.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Tumipa si Harden ng 40puntos upang pangunahan ang Rockets sa isang 117-109 panalo kontra New Orleans Pelicans.

Naglagay din ng 10 rebounds at siyam na assists, si Harden kung saan unang yugto pa lamang ay may natipon nang 26 puntos .

“James is James, so we can put all that other stuff the rest because he seems like he’s back,” ani coach D’Antoni.

Ang rookie na si Zion Williamson ay tumipa naman ng 21 puntos at 10 rebounds para sa Pelicans, na nasira ang tatlong winning streak dahil sa pagkabigo.

AP