Nagsisimula nang magpalakas ang Gilas Pilipinas para sa Fiba Asia Cup qualifiers sa 2021 .
Sa unang pagkakataon ay makakaharap na ng interim national head coach na si Mark Dickel ang 24 manalalaro ng Gilas Pilipina upang simulan ang kanilang preparasyon sa nasabing Asian qualifiers.
Itinalaga ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si Dickel, na siyang active consultant ng TNT KaTropa sa PBA, bilang interim coach para sa mga labanan ng kontra Thailand ngayong darating na Pebrero 20 at sa Indonesia sa Pebrero 23.
Kabilang sa mga manlalaro na napili para sa sa nasabing kompetisyon ay ang mga PBA players na sina Kiefer Ravena, CJ Perez, Christian Standhardinger, Japeth Aguilar, Marc Pingris, Poy Erram, Roger Pogoy, Troy Rosario, Mac Belo, Matthew Wright, Ray Parks,Isaac Go, Rey Suerte, Matt Nieto, Allyn Bulanadi, at Mike Nieto,.
Kasama din ang mga amateur at collegiate standouts na sina Thirdy Ravena, Kobe Paras, Dave Ildefonso, Juan Gomez De Liano, Javi Gomez De Liano, Jaydee Tungcab, Justine Baltazar, at si Dwight Ramos.
Pansamantalang naupo bilang coach ng nationals si Dickel habang wala pang permanenteng head coach, matapos magbitiw ang dating head coach na si Yeng Guiao sanhi ng hindi magandang performance sa Fiba Basketball World Cup noong nakaraang taon.
Saglit din na umupo si Barangay Ginebra coach Tim Cone kung saan siya ang nagmaneobra sa koponan sa nakaraang 2019 SEA Games.
Si Dickel ay naglaro sa New Zealand national team noong 2000 at 2004 Olympics, at naging coach ng Albanian national team buhat 2010 hanggang 2011.
Siya rin ang naging coach ng Canterbury Rams sa New Zealand League bago lumipat dito sa Pilipinas at naging active consultant ng TNT noong 2018.