Isang Filipina archery judge ang siyang naatasan na muling maging hurado para sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics.

Si Karla Cabrera ang ang pinagpipitaganang archery judge ng Pilipinas ay muling sasabak sa Olimpiyada, hindi upang maglaro ngunit kundi para maging hurado.

Siya at ang 13 iba pa ang siyang magiging punung-hurado para sa nasabing kompetisyon na nakatadang maganap ngayong darating na Hulyo.

Makakasama ni Cabrera ang tatlo pag Asyano na bubuo sa lupon ng hurado para sa Olimpiyada.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Taong 2012 nang una siyang mapili upang maging hurado sa London Olympics, at ito na ang kanyang ikatlong pagkakataon na magiging judge para sa archery.

Nagbigay din ng karangalan si Cabrera noong kanyang kapanahunan matapos itong maging gold medalist sa 1977 at 1985 Southeast Asian Games

Naging National team coach din siya sa maikling panahon bago naging technical official.

Taong 2010 nang maging ‘top level international judge’ si Cabrera at naging technical official sa mga World Championships, World Cup, Asian Games, Asia Cup at ng SEA Games.

-Annie Abad