Magpapahinga at magpapakundisyon una ang dalawang magagaling na volleyball stars ng Cignal na sina Rachel Daquis at Jovelyn Gonzaga.

Dahil dito, ay hindi makakapaglaro ang dalawang nabanggit na manalaro sa kasalukuyang 2020 PSL Imus City Mayor Maliksi Super Cup ‘Spike for a Cause’ na nagsimula kahapon, bukas at sa 6 ng Pebrro sa Imus Sports Complex sa Cavite.

“Medyo hanggang ngayon hindi pa nakakapalo si Rachel. At the same time, si Jovelyn medyo nagpapakundisyon pa rin,” pahayag ni cach Edgar Barroga

Sinabi pa ni Barroga na nakakaramdam ng pamamanhid si Daquis sa kanyang kanang balikat dahil sa kulang na pagpapakundisyon nitong nakaraang Disyembre.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

“Siguro noong natigil ‘yung liga, medyo napabayaan niya ‘yung workout niya, nagbakasyon siya sa Germany. Kapag gan’un kasi medyo bumabalik ‘yung parang mafo-frozen ‘yung kanyang shoulder. So ‘yun, nire-rehab namin hanggang ngayon,” ani Barroga.

Gayunman, siniguro ng coach na dadalo sina Gonzaga at Daquis sa mga laban ng Cignal upang mag-cheer para sa mga pre-season tournament,.

Hindi rin makakpaglaro sa Cignal si Yaasmeen Bedart-Ghani, na parating pa lamang galing US.

Inamin ni Barroga na dahil sa naturang line-up hindi pa handa ang kanyang koponan na lumahok sa mga tournaments gayung maghahanda pa lamang sila na muling sumabak. “Noong una parang ayaw namin kasi hindi kami ready, pero noong sinabi na spike for a cause, lalong lalo na nga para sa Taal victim natin, ayun naging excited kami, iniisip namin kung paano kami makakatulong,” aniya