Binura ng investors ang $420 bilyon mula sa benchmark stock index ng China nitong Lunes, ipinagbili ang yuan at itinapon ang commodities sa takot sa pagkalat ng 2019 novel coronavirus (2019-nCov) at ang epekto nito sa ekonomiya ang nagtulak ng mga pagbebenta sa unang araw ng kalakalan sa China simula nang Lunar New Year.
Kasabay ng pagbagsak ng merkado ang pagbuhos ng China central bank ng $173 billion sa financial system para makatulong na tumatag ang merkado.
Sa huling update ay umakyat na 361 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa China dahil sa 2019-nCoV, lagpas sa bilang ng mag namatay sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) outbreak noong 2002-03. Nasa 17,205 ang infected.
Kumalat na rin ito sa 24 bansa.
U.S. SPREADING FEAR
Samantala, sinabi ng Chinese foreign ministry kahapon na ang mga hakbang United States ay lumikha at nagkalat ng takot sa coronavirus outbreak sa halip na magbigay ng anumang ayuda.
Ang U.S. ang unang nasyon na nagsuhestyon ng partial withdrawal ng kanyang embassy staff, at ang unang nagpatupad ng travel ban sa Chinese travelers, sinabi ni ministry spokeswoman Hua Chunying.
“All it has done could only create and spread fear, which is a bad example,” ani Hua sa online news briefing, Idinagdag na umaasa ang China na ang mga bansa ay maging reasonable, calm at ibatay sa science ang kanilang mga desisyon at tugon sa outbreak.
Sa Washington, sinabi ni President Donald Trump nitong Linggo na nagsagawa ang U.S. decisive action para protektahan ang mga Amerikano laban sa banta ng fast-moving coronavirus kasabay ng alok na tulong sa China, ngunit hindi ito tinanggap ng Beijing.
“We’re gonna see what happens, but we did shut it down, yes,” sinabi ni Trump sa panayam ng Fox television.
Ang mga pangamba sa virus ang nagtulak sa United States nitong Lunes na magdeklara ng public health emergency at ipagbawal ang pagpasok ng foreign nationals na bumisita sa China kamakailan.
“We can’t have thousands of people coming in who may have this problem - the coronavirus,” ani Trump sa Fox. Sinabi niya na nag-alok ang U.S. officials sa China ng “tremendous help” para tugunan ang epidemya.
BUILT IN 10 DAYS
Samantala, dumating ang mga unang pasyente kahapon sa 1,000-bed hospital na itinayo sa loob ng 10 araw lamang sa pagsisikap ng China na malabanan ang bagong virus.
Ang Huoshenshan Hospital at ang second facility na may 1,500 beds na nakatakdang magbukas ngayong linggo ay itinayo ng construction crews na 24-oras na nagtatrabaho sa Wuhan, ang lungsod sa central China kung saan unang na-detect ang outbreak noong Disyembre. Naka-lockdown ang 11 milyon mamamayan ng lungsod.
HK MEDIC NAG-STRIKE
Daan-daang Hong Kong medical workers ang iniwan ang kanilang mga trabaho nitong Lunes, para i-demand na isara ng lungsod ang border nito sa China para mabawasan ang pagkalat ng coronavirus – at nagbanta ang frontline staff na susunod na mag-walkout sa mga susunod na araw.
Ang financial hub ay may 15 kumpirmadong kaso ng sakit, karamihan ay dinala mula sa Chinese mainland.
Nagtipon ang mga staff sa labas ng mga ospital sa buong lungsod kahapon, namigay ng puting ribbons sa kanilang mga kasamahan at hinikayat silang sumali sa strike action.
‘’If there is no full border closure, there won’t be enough manpower, protective equipment, or isolation rooms, to combat the outbreak,’’ sinabi ni Winnie Yu, chairwoman ng 9,000 member Hospital Authority Employees Alliance, sa reporters.
36 FRENCH MAY SINTOMAS
Sa France, tatlumpu’t anim kataong sakay ng evacuation flight mula China na lumapag sa France nitong Linggo ang nakitaan ng mga sintomas ng coronavirus, ayon kay Health Minister Agnes Buzyn.
Sa kabuuan, 254 katao ang dumating sa France mula sa Wuhan.
-REUTERS, AP at AFP