Matapos na magbigay ng sunud-sunod na karangalan sa bansa, ito naman ang panahon upang kilalanin ang galing at kabayanihan ng superstar gymnast ng bansa na si Carlos Edriel Yulo.

caloy

Nitong darating na Marso 6, bibigyang parangal ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang 19- anyos na si Yulo, kung saan tatanggapin niya ang President’s Award sa SMC-Pilippine Sportswriters Association (PSA) Annuaal Awards Night na gaganapin sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Ito ay bilang pagkilala sa mga karangalang iniuwi ni Yulo buhat sa kanyang mga nilahokan na gymnastics competitions. si Yulo ay nagwagi ng ginton gmedalya buhat sa men’s floor exercise ng World Artistic Gymnastics Championships na ginanap sa Stuttgart, Germany noong nakaraang taon, ngunit bago ito ay siya ang kauna-unahang Filipino gymnast na nakakuha ng medalya sa nasabing kompetisyon kung saan nagwagi siya ng bronze medal noong 2018.

Sandro, 'di pa rin daw nakaka-recover sa nangyaring sexual harassment

Dahil dito ay nakasiguro ng tiket ang Batang Maynila na si Yulo para sa 2020 Tokyo Olympics ngayong darating na Hulyo.

Bukod dito ay hindi din binigo ni Yulo ang Filipino crowd na nanonood ng kanyang performance sa 2019 Philippine SEA Games kung saan nakakuha siya ng dalawang gintong medalya at limang silvers.

Makakasama ni Yulo sa gabi ng parangal ang mga kilalang personalidad na bibigyang pugay din ng PSA gaya nina Efren “Bata” Reyes na tatanggap ng Lifetime Achivement Award, ang businessman-tycoon na si Manny V. Pangilinan, ang National University Lady Bulldogs na nakakuha ng sunud-sunod na titulo, ang billiards champions na sina Rubilen

Amit at Dennis Orcollo at ang slalom racing champ na si Milo Rivera.

Ang PSA ay kasalukuyang pinamumunuan bilang presidente ni Tito Talao na sports editor ng Manila Bulletin

-ANNIE ABAD