Isang panalo na lamang ang kailangan ng Nazareth School of National University upang ganap na makumpleto ang sweep ng elimination round ng UAAP Season 82 Juniors Basketball Tournament.
Muling ginapi ng reigning titlist Bullpups ang University of the
Philippines Integrated School, 113-76 para sa ika-13 sunod nilang panalo kahapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.
Limang Bullpups sa pangunguna nina Steve Enriquez at Terrence Fortea na tumapos na may tig-17 puntos ang umiskor ng double figure upang
pamunuan ang nasabing panalo.
Dahil dito, kailangan na lamang ng NU na ipanalo ang huling laro nila sa second round upang pormal na umusad sa kampeonato sa bisa ng double round sweep ng elimination.
Nagtala naman ng 12 puntos si Gerry Abadiano kasunod sina Kevin Quiambao at Carl Tamayo na may tig-10 puntos sa naturang panalo ng Bullpups.
Nanguna naman para sa Junior Maroons na bumagsak sa kabaligtarang markang 0-13, panalo-talo si Jordi Gomez de Liaño na may game-high 27-puntos. Marivic Awitan
Ang Iskor:
NU 113 - Enriquez 17, Fortea 17, Abadiano 12, Quiambao 10, Tamayo 10,
Torres 8, Laure 7, Duremdes 6, Felicilda 6, Mailim 6, Tulabut 6,
Alarcon 5, Songcuya 3, Abiera 0 UPIS 76 - Gomez de Liano 27, Torres 18, Torculas 17, Dimaculangan 10, Canillas 4, Armamento 0, Avinado 0, Lopez 0
QUARTER SCORES: 27-26, 51-42, 84-57, 113-76