ILANG linggo ng speculation kung ano ang kakantahin ni Marcelito Pomoy sa America’s Got Talent: The Champion ngayong nasa semi-finals na siya, isang short video ng kanyang most recent performance of this song makikita ang Pinoy singer na handa nang lumaban at umawit Time To Say Goodbye.

Sa video na ini-release nitong Feb. 1 sa show’s YouTube Channel, makikita si Marcelito na umaawit ng ilang linya ng Andrea Bocelli original.
Makikita rin sa video ang tuwa at pagkamangha ng mga hurado ng AGT judges Simon Cowell, Heidi Klum, Alesha Dixon, at Howie Mandel, kay Marcelito.
Pinamangha ni Mercelito, ang mundo sa kanyang dual voice, nang kantahin niya sa unang round ng AGT: The Champions ang The Prayer, na orihinal na kantar in nina Andrea with Celine Dion.
Ang Time To Say Goodbye ay isang duet between Andrea at Sarah Brightman. Orihinal itong inawit bilang Italian solo ni Andrea, na Con Te Partiro.
Ilang bese nang inawit ni Mercelito ang Time To Say Goodbye sa Pilinas. Sa isang panayam nitong nakaraang linggo, ibinahagi nitong nagsumite siya ng 10 kanta para pagpilian sa “America’s Got Talent.”
-JOJO PANALIGAN