FINALLY, natuloy na rin si KC Concepcion bilang isa sa artist ng Cornerstone Entertainment base na rin sa Facebook page ng talent management nap ag-aari ni Erickson Raymundo.

KC CONCEPCION copy

A n g c a p t i o n sa litratong pinost ng Cornerstone, “Glad to have our long time friend KC Concepcion as part of our ever growing family. Welcome to Cornerstone Entertainment Inc. @ itskcconcepcion !!!”

Tanda namin ay matagal ng gusto ni KC na magpa-manage kay Erickson pero hindi matuluy-tuloy dahil naging abala ang singer/actress sa mga commitment niya sa ibang bansa kasama na ang pagiging National Ambassador Against Hunger for UNICEF’s World Food Program simula 2008. Nag-aral pa ng Gemology sa New York City USA para sa kanyang Jewelry business, naging bisi-bisihan sa kanyang lovelife na nauwi lang din sa wala.

At ngayong single na ulit si KC at buo na ang desisyong maging aktibo sa showbiz at commercials ay nakipagsapalaran siya sa Cornerstone para sa kanyang career.

Relasyon at Hiwalayan

Franki Russell, Enrique Gil naantala ang pagkakamabutihan

Sana mapanood namin muli ang aktres sa teleserye o pelikula at hopefully maka-trabaho niya si Piolo Pascual na okay naman na sila ngayon.

Welcome back sa showbiz, KC mula sa Balita.

-Reggee Bonoan