YES, Sir! Nasungkit ni singer-composer Gari Escobar ang New Male Recording Artist of the Year ng PMPC Star Awards for Music nito lang nakaraang January 23, 2020 na ginanap sa SM North Edsa Skydome.
Maraming nag-congratulate kay Gari ( na incidentally ay alaga rin ni yours truly) sa pagwawagi bilang New Male Recording Artist of the Year sa ika-11th PMPC Star Awards For Music in pernes.
Sa kanyang speech ay pinasalamatan ni Gari ang kanyang pamilya, mga kaibigan at supporters na naghiyawan ng matawag ang kanyang pangalan.
Pinasalamatan nya rin ang kanyang 4life Family, Ivory Music Family, ang PMPC, at special mention ang inyong lingkod na may kasama pang “I love you” sa true lang.
Pero mas ikinatuwa ng mga Noranians na nasa loob din ng Skydome that night, nang banggitin ni Gari si ate Guy or Superstar Nora Aunor to many of us bilang kanyang inspirasyon mula pa ng kanyang kabataan.
After nang nasabing 11th PMPC Star Awards For Music …what’s next, Gari Escobar?
“Pinaghahandaan po namin ang aking first mini concert sa Manila Bay Casino sa February 29 at 7pm, kung saan kakantahin ko po ang 8 cuts mula sa aking self-titled album at ilang piling pili na covers, na inawit ng aking mga paboritong singers. At pinaghahandaan ko din po ang mga tv and radio guestings to promote my new single Habang nandito pa ang masaya niyang sagot.
K, noted! At congratulations to you again, Gari Escobar. Awards pa more, okidoki? Yun na!
-Mercy Lejarde