SA grand mediacon ng Viva Films Untrue ay ang dalawang lead stars lang nito na sina Cristine Reyes at Xiam Lim ang siyang humarap sa Q&A portion with the Entertainment Media.

Cristine

Nahingan ng reaction si Cristine kung alam ba niyang si Claudine Barretto ang siyang original choice sa role na ginampanan niya sa Untrue?

“Ah siya pala talaga ‘yung original. Kasi iba ang naiisip ko. Oo nga sa kanya pala originally. How do I feel, ‘yun po ba ang tanong?

“Actually nung tinanggap ko ang pelikula, tinanggap ko po siya dahil maganda talaga. Hindi ko po intensyon yon. Nagkataon lang na ibinigay sa akin.

Tsika at Intriga

Sam Verzosa, Faith da Silva iniintriga dahil sa concert ni Jessica Sanchez

“Ito ‘yung matagal kong hinihintay na project and seryoso po talaga ako rito. Kaya sabi ni Xian na game face ako lagi sa shoot kasi gustong-gusto ko talaga siya gawin.

“Siguro, thank God, ‘yun ang masasabi ko na ibinigay Niya sa akin itong project kasi hindi ko ito makukuha kung hindi dahil sa Kanya (referring to God),” ang mahabang esplika ng Cristine Reyes na tipong okay lang sa kanya kung maging second choice lang para maging leading lady ni Xiam sa Viva Films Untrue.

Showing na in theaters nationwide simula this coming February 19 ang Untrue of Viva Films in cooperation with the IdeaFirst Company sa direction ni Sigrid Andrea Bernado.

-MERCY LEJARDE