GRABE, ang daming nag-aabang na sa bagong teleserye ni Julia Montes na 24/7 mula sa Dreamscape Entertainment dahil sa karakter niyang lady guard sa isang hospital kung saan nagkaroon ng outbreak base na rin sa na-post ng litratong lahat ng staff ay naka-suot ng N95 mask at laboratory gown.

Julia

Napanood namin ang online full trailer ng 24/7 kahapon ng 12 ng tanghali at sa Facebook account ng Dreamscape Entertainment at maraming taong maysakit na isinugod sa hospital kung saan naka-destino si Julia at lahat ng staff ay aligaga at hindi malaman kung ano ang uunahin hanggang sa isa ang anak ng aktres sa pasyente.

Ang gamot na lunas sa sakit na kumalat ay itinatago ng Pharmaceutical owner na si Edu Manzano.

Base sa trailer ay ini-interview si Edu ng media dahil sa epidemya at hinahanap ang gamot nap ag-aari niya, ipinakita si Arjo Atayde bilang doktor, hmm ano kaya ang koneksyon ng dalawa, mag-ama?

Tsika at Intriga

Sam Verzosa, Faith Da Silva nagkakamabutihan nga ba?

Si JC Santos na isa sa raliyista ay may hawak na placard na ‘ilabas ang mga gamot’ kaya nagwawala ang mga tao.

Anyway, ipinakita na hinahanap ni Julia ang mga gamot sa pharmacy na off limits siya at nang makita ay kaagad itong dinala sa ward at pinag-agawan hanggang sa magkandabasag-basag ito.

Kaya pala nag-training si Julia ng martial arts ay mapapalaban siya sa mga tauhan ni Edu and the rest is history.

Kasama rin sina Denise Laurel bilang isa sa doktora at may kinalaman sa itinagong gamot, Joem Bascon at Pat Suigi bilang mga pulis, Pepe Herrera bilang guwardia ng hospital, Joross Gamboa na may kuneksyon kay Julia, Eric Fructuoso na personal bodyguard at marami pang iba.

Palaisipan sa amin kung ano ang karakter ni Meryll Soriano na papasok sa hospital na nanlalambot at tila may mga kagat siya sa mukha at braso, parang hindi naman ganito ang epekto ng coronavirus, hindi kaya may kinalaman din ito sa zombie? Lalo’t palabas ngayon ang Block Z nina Joshua Garcia at Julia Barretto mula sa Star Cinema na idinirek ni Mikhael Red?

Walang ibinigay na petsa ngayong Pebrero kung kailan ito eere at marami talagang nag-aabang dahil ilang minuto palang inilabas ang trailer ay mahigit sa 100k na ang nakapanood at 328 shares.

-Reggee Bonoan