MIXED ang reactions ng netizens na nakabasa sa tweet ni Solenn Heussaff na “Why is our government still allowing flights from China? That should have been the first action when news about this virus came out?”

Solenn

May kinaalaman ang tweet ni Solenn sa action ng government in halting the spread of novel coronavirus (nCoV).

May sumagot kay Solenn namas pinapaboran kasi ng gobyerno ang pera from the Chinese tourists, kaya mabagal ang action. May mga nagpahayag ng galit sa gobyerno dahil sa kabagalan nga ng action.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

May nag-comment din na dahil ito sa mas mahal ng gobyerno ang China kesa sariling bansa natin. May mga nagpahayag pang hate nila ang government at si Pres. Duterte.

May mga sumagot naman kay Solenn na ang sabi, sayang ang ganda niya kung walang kasamang brains at pinayuhan na ‘wag puro headlines ang basahin. Ipinaalam sa kanya na ipinag-utos na rin ni Presidente Duterte ang travel ban sa tourists from Wuhan at iba pang lugar sa China na affected ng nCov.

Ang latest, pinost ni Solenn ang pahayag ng World Health Organization na global health emergency na ang Coronavirus, kaya mag-ingat tayong lahat.