MILAN —Ang pagiging pangkaraniwan at ang pagpapakita ng maayos na pagtrato sa mga tao, maliit man o malaki ang isang bagay na naibahagi ni PBA chairman Ricky Vargas ng TNT KaTropa sa loob mismo ng PBA board, ang siyang nais na na maipagpatuloy ng kasalukuyang vice chair na si Bobby Rosales ng Columbian Dyip, sakaling mailuklok siya sa nasabing puwesto.
“What he has done the past two years going to his third, Chairman Ricky really has united the board,” pahayag ni Rosales bago magsimula ang isang “closed door” meeting ng board of governors para sa isang mahabang araw ng planning session.
“There is now a commonality in our objectives and goals which has made the PBA more inclusive with all the programs of Commissioner [Willie] Marcial,” aniya.
Sa pamamagitan ng pagtanggap ni Vargas sa mga tao at pagtrato dito ng patas, ay naibahagi nanito ang liga sa mga kababayan natin sa mga malalayong lugar, ayon kay Rosales.
“By being inclusive, the league has of late extended to everybody who loves basketball, with all our community-based programs and out-of-town games that reach out to other places,” ani Rosales. “At the end of day, it all redounds to the benefit of the basketball fans and the players.”
Ito na ang ikalawang termino ni Vargas kung saan ibinoto siya ng PBA board bilang Chairman ng liga noong 2017 sa gitna ng masalimuot na kaganapan sa loob ng pamunuan ng nasabing liga.
Si Vargas ay kasalukuyang presidente din ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP).
Si Rosales sa kabilang banda ay naging vice chairman sa nasabi ring eleksyon, anim na taon bago tanggapin ng PBA ang Columbian franchise, kasama ang Blackwater, sa liga.
Alinsunod sa sistema ng liga, kailangan na maiboto muna si Rosales, kung sakaling pamumunuan nito ang mga susunod na PBA season.
Ang susi umano sa pananatili ni Vargas sa liga ayon kay Rosales, ay ang programang na ipinatupad ng PBA at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, sa ilalim ng pamunuan ng r Meralco Bolts governor na si Al Panlilio, kung saan nahatak din ang atensyon ng liga sa pagbuo ng national team.
“We’ve really come a long way in helping develop and prepare the Gilas team, especially for the forthcoming FIBA World Cup,” ani Rosales.
“The Chairman has done a lot for the PBA, and as vice chairman now, I share the same goal as he has,” ayon pa kay Rosales. “Hopefully when all his all-inclusive programs take effect fully, we will be able to invite or attract more people to watch the games not only in the venue but also in the social media platform.”
“The PBA has always been looking for ways to go beyond basketball, how to be able to extend or develop more programs for the benefit of more people.That’s where we envision the PBA to go in the medium and long term,” ayon pa kay Rosales.
-Tito Talao