Pinataob ng Mighty Sports-Creative Pacific ang kalabang Al Wathba ng Syria, 88-71, sa quarterfinal showdown nito Huwebes ng gabi, upang mapanatili makaharap ang defending champion na Al Riyadi ng Lebabon sa 31st Dubai International Basketball Championship na ginanap sa Shabab Al Ahli Club sa United Arab Emirates.

Walanag inaksayang panahon ang koponan ng ng Mighty Sports-Creative Pacific upang pataobin ang kalaban sa nasabing kompetisyon.

Si McKenzie Moore ay nagbigay ng 15 puntos buhat sa 7-of-8 shooting niya habang ang beteranong si Renaldo Balkman at ang naturalized Filipino na si Andray Blatche ay nag-ambag ng tig-13 at 12 ayon sa pagkakasunod .

Maging ang dating collegiate standouts na si Thirdy Ravena ng Ateneo at si Jamie Malonzo ng La Salles ay nagbigay din ng kanilang ambag upang makatulong sa koponan gayundin si Juan Gomez de Liaño ng UP.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Ngunit mas malaki ang puntos na naibigay ni Malonzo sa pamamagitan ng kanyang 5-of-5shooting, kasama ang magkasunod na dunk sa huling yugto ng labanan na siyang nagpabilib sa Mighty Sports owner na si Alex Wongchuking at si Bong Cuevas of Creative Pacific.

Sa semis, kakaharapin ng Mighty Sports, na siya rin suportado ng Go for Gold, Oriental Game, Discovery Primea at Gatorade, ang mga koponan ng Moroccan club Sale, na tumalo naman sa UAE national team, 85-80.

“Our goal is to win the championship but I am happy with our win,” ayon naman sa coach na si Charles Tiu. “I’m proud with what Jamie, Thirdy and Juan contributed to the team,”