EL SEGUNDO, California —Naglaro muna sa parke bago ang kanilang huling araw ng ensayo ang Los Angeles Lakers bago sumabak sa kanilang unang laro, pagkatapos ng pagkamatay ni Kobe Bryant.

la

Ang mga manlalaro at ang kanilang coaching staff kasama ang general manager na si Rob Pelinka ay nagtungo sa parke sa tawid ng lugar malapit sa kanilang team’s headquarters Huwebes (Buiyernes sa Maynila) upang maglaro ng soccer ball.

Nasilayan ng mga fans na nagtatakbuhan sa paglalaro ng soccer ang malalaking players lalo na si LeBron James.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It’s a beautiful day out, and there’s always therapeutic benefits to sunshine and being outside in fresh air,” ayon kay Lakers coach na si Frank Vogel.

Bago ang laro mamaya ng Lakers kontra sa Portland Trailblazers ay magbibigay muna ng tribute ang NBA para kay Bryant at sa anak nitong si Gianna pati na sa iba pang biktima ng trahedya.

“I would imagine it probably makes it a little harder than an ordinary game with all the emotions and that stuff, but we shouldn’t do it any other way. It’s the right thing to do, and an important night for our franchise and for Laker Nation,” ani Vogel

Ang nasabing tribute ay pagkilala ng Lakers kay sa 20 taong serbisyo ni Bryant sa koponan kung saan nagretiro ito noong 2016 at nanaitling franchise icon at nanatiling malapit sa management.