Isa pang panalo para sa qualifying event ang kailangan ni Hidilyn Diaz upang pormal na makapasok sa 2020 Tokyo Olympics.
Ito ang ipinahayag ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas president na si Monci Puentevella sa isang panayam sa kanya.
Ayon kay Puentevella, kahit nagwagi ng tatlong ginto si Diaz sa kanyang kampanya sa Weightlifting World Cup sa Rome na nagbiagy ng malaking pag-asa sa kanya para sa Olimpiyada ay kailangan pa rin ng Zamboanga pride na ipanalo ang kanyang susunod na qualifying event.
“More or less, Hidi (Diaz) is already qualified, but our lifters need six events to make it [to Tokyo]. It is the requirement of the IWF, after which the qualifiers will be declared,’’ ani Puentevella.
Ang World Cup sa Italy kung saan nagwagi si Diaz ng mga ginto sa snatch (93 kg) at clean and jerk (119 kg) sa kabuuang bigat na 212 kg ay ang ikalimang torneo na nilahokan niya.
Ang huling qualifying tournament para kay Diaz at sa koponan ng national weightlifting say ang 2020 Asian championships na gaganapin sa Nur-Sultan, Kazakhstan, ngayong darating na Abril 16 hanggang 25.
Sa women’s 55 kg na siyang forte ni Diaz para sa Olimpiyada, ay kukuha ng walong top weightlifters na siyang magkakaseiguro ng kanilang tiket para sa Tokyo Olympics, alinsunod sa panuntunan ng IWF.
Limang continental slots pa ang ipamimigay ng IWF para sa Asya, sa Europa Amerika, Oceania a at Africa at isa pa kanino man sa host country.
“One more to go. Not only for Hidi, but for everyone,’’ pahayg pa ni Puentevella .
-Annie Abad