SA Kadenang Ginto Finale mediacon ay nabanggit ni Dimples Romana na hangga’t maaari ay ayaw niyang magtuluy-tuloy ang pagiging kontrabida niya para may pagkakaiba naman.

Dimples Romana and Beauty Gonzalez

“Oo para lang may change a little bit. Mas bigger picture ako tumingin kung ano ang ikatatagal ko sa industriya, so actually na-break na ‘yun sa Bebet character hopefully sa moviegoers, today is our day 1 (shooting) and after that puwede na ulit akong mag kontrabida ulit.

“Na-enjoy kong magkontrabida (Daniella) kasi ang playful, ang sarap nu’ng na-appreciate ng mga tao ‘yung pagiging kontrabida mo and your job in general, napaglalaruan nila at natutuwa ako ro’n kaya mabilis akong mag-repost ng mga memes ni Daniella.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I’d like to see not a pressure but a challenge para kasi pag pressure negative ang dating sa trabaho mo, sa akin mas challenge na pahusayan pa at ano pa ang puwedeng ibigay, ano pa ang puwede nilang makitang iba, sino pa ‘yung iba na puwede kong makatrabaho.

“As an actor, nate-test talaga ‘yung flavor mo kapag nai-partner ka sa iba kaya ang tagal ko ring hindi nakatrabaho ‘yung iba kong mga kaibigan kasi you want to venture rin sa iba and I’m so glad I worked with (Kadenang Ginto cast) everybody here because that changes you as a person as an actor.

“Kung baga lahat sila mayroong naibigay sa akin na hindi nila alam, hindi naman nila ‘yun malalaman na may pinulot ako from them like kay kuya Joko (Diaz), si tito Ronnie (Lazaro) kaya mapapansin ninyo ‘yung dynamics nina Kulas (Ronnie) at Daniella may lalim na kasi nagka-work na kami before na. I think kasi tatay-tatayan ko siya before sa Kaytagal Kitang Hinintay (2003) and because as an actor, you don’t let go of your tools, you keep them for a little bit and then you get them again when it’s time for you to make use of it,”paliwanag mabuti ng aktres.

Pero kung papipiliin si Dimples ay mas exciting sa kanya ang kontrabida role, “oo kasi mas excite ako sa mga possibilities na puwedeng gawin.”

Inabot ng isang taon ang Kadenang Ginto at napakalaking blessings ito sa lahat ng cast lalo na kay Dimples dahil naipagpatayo niya ng bahay ang mama niya at mapag-aaral na niya sa ibang bansa ang panganay niyang anak na gustong maging lady pilot.

Kaya naman abut-abot ang pasalamat ni Dimples sa ABS-CBN at sa Dreamscape Entertainment family dahil sa blessings na nabigay sa kanya ng KD.

-REGGEE BONOAN