Isa sa mga pangunahing agen­da sa tatlong araw na annual planning session PBA Board of Governors sa Milan,Italy ay ang magkaroon ng pundasyon para sa kanilang 3×3 program.

Kaugnay nito, nagbuo ang board ng isang selection committee na syang pipili ng final four players na kakatawan sa bansa sa darating na 2020 FIBA 3X3 Olympic Qualify­ing Tournament.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas president na nagkataon ding governor ng koponan ng Mer­alco na si Al Panlilio ang “5-man selection committee” ang pipili ng final four player na sasabak sa global meet na idaraos sa Marso 18-22 sa Bangalore, India.

Kabilang sa binuong commit­tee sina Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league commissioner Eric Altamirano; SBP executive director Sonny Barrios; SBP coaches com­mission head Jong Uichico; Gilas women’s program director Patrick Aquino at national 3x3 coach Ron­nie Magsanoc.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Nakatakda silang pumili sa Gilas Pilipinas 3×3 pool na umabot sa 14 matapos magpahiram ng PBA ng apat pang players.

“I would like to also announce that the PBA board has agreed to add four players to the pool and it’s the four names that won the SEA Games gold — Jason Perkins, Mo Tautuaa, Chris Newsome, and CJ Perez,” ani Panlilio.

Sa nasabing apat na PBA play­ers, dalawa lamang ang puwedeng mapasama sa line-up dahil ayon sa FIBA 3×3 rules, dalawang player lamang na wala sa top 10 sa ranking ng kinakatawan nitong bansa ang puwedeng lumaro.

Ang mga kasalukuyang nasa top 10 at kabilang sa national pool ay sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Dylan Ababou , Karl Dehe­sa, Santi Santillan, Chris De Chavez, Gab Banal , Leo De Vera, Ryan Monteclaro at Jaypee Belencion.

Base sa nakaraang draw, ang Pilipinas ay napahanay sa Pool C ng qualifier kasama ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Re­public.

-Marivic Awitan