NANG lumantad sina Vice Ganda at Ion Perez at inanunsiyo sa national television via It’s Showtime na sila’y magdyowa na, maraming natuwa at masayang tinanggap ng madlang pipol ang kanilang relasyon. ‘Yun nga lang, may kasabihang ‘you can’t please everybody’ kaya’t may mangilan-ngilang pinupuna ang kanilang Public Display of Affection (PDA) o pagpapakita ng kanilang nararamdaman sa isa’t isa na madalas napapanood sa Kapamilya noontime program.

Kamakailan lang ay naitanong ng ilang tabloid reporters kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Rachel Arenas kung ano ang kanyang opinyon at masasabi sa ipinapakitang sweetness nina Vice at Ion live episodes ng It’s Showtime.

“Sa amin, we really take steps, and we summon the network if we see reports or comments na, sa tingin nila, hindi nararapat ipalabas. So far kasi, honestly, we haven’t received any grave complaints about [Vice Ganda and Ion],” sey ng MTRCB head.

Ganunpaman, sinabi ni Arenas that the MTRCB will take action if they receive a formal complaint.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“But, if and when we do, we will definitely call the network. Hindi namin siya puwedeng ipasa-walang bahala yung mga reklamo ng mga manonood whether isa lang yan or dalawa o tatlo, ipapatawag namin sila. Pero so far, to be honest, hindi pa kami nakakatanggap ng ganung reklamo,” aniya pa.

Turning to the media, sinabi niya, “kung kayo ang nagrereklamo, please put it in writing and [submit a complaint].”

“Usually, they email us and, immediately, we call on them. But if you think that it’s not good for viewers to see it, especially the young ones, please send us an email, and we will call them,” paliwanag niya.

-Ador V. Saluta