NAGLABAS ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng circular na naka-address sa lahat ng dioceses sa gitna ng mga banta ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).

Sinabi ni Rev. Fr. Marvin Mejia, CBCP secretary general, na kailangan ang mga hakbang para maiwasan ang paghawa at pagkalat ng sakit.

Inirekomenda ng CBCP ang pagtanggap ng komunyon sa pamamagitan ng kamay bilang isang paraan na makatulong na maiwasan ang nakamamatay na virus.

“The communion in the hand must be practiced ordinarily to help prevent further fear from people who are reasonably cautious about this matter. Other forms of close contact like holding hands during the praying of the Our Father (Ama Namin) and shaking hands and kissing (beso-beso) during the sign of peace are also being discouraged,” ani Mejia sa CBCP News post.

Hinimok din ng CBCP ang mga simbahan sa parokya na regular na palitan ang holy water sa mga harapan at maglagay ng protective cloth sa grills ng confessionals.

Isang “Oratio Imperata” rin ang inilabas para sa mga nahawaan ng virus at para maiwasan ang global outbreak.

“We pray for your grace for the people tasked with studying the nature and cause of this virus and its disease and of stemming the tide of its transmission. Guide the hands and minds of medical experts that they may minister to the sick with competence and compassion, and of those governments and private agencies that must find cure and solution to this epidemic,” mababasa sa bahagi ng panalangin.

Ang panalangin ay uusalin sa lahat ng araw at sa mga Misa sa Linggo, matapos ang Komunyon, nang nakaluhod, simula sa Pebrero 2, ang Feast of the Presentation of the Lord.

Sa ngayon, wala pa ring kumpirmadong kaso ng 2019-nCoV ang Pilipinas ngunit ilang indibidwal ang mahigpit na binabantayan.

Samantala, pinaiiwas din ni Balanga Bishop Ruperto C. Santos ang pagtanggap ng komunyon sa bibig at paghahawak-kamay habang inawit ang Ama Namin.

“We have to be vigilant. Human coronavirus spreads from infected person to others through the air by coughing and sneezing, close personal contact, such as touching or shaking hands, touching an object or surface with the virus on it, then touching the mouth, nose or eyes,” aniya.

Hiniling din ni Santos sa mga mananampalataya na iwasan muna ang paghalik sa singsing ng obispo. “This will be observed only until the outbreak is controlled,” aniya.

Ang diocesan prayer laban sa pagkalat ng coronavirus ay dadasalin pagkatapos ng Communion prayer.

-Christina I. Hermoso at Mary Ann Santiago