Ipinakilala ang kauna-unahang Juego Todo kung saan nagsagawa ng isang kapanapanabik na sagupaan sa Sta. Ana, Cagayan nung nakalipas na buwan na magsisilbing pinakmalaking kompetisyon sa nasabing sports ngayong taon.

HINANDUGAN ni Balai Cagayano COO Vergel Glorioso si Juego Todo Underground Battle MMA X Champ Genil Francisco ng premyong Bahay, Lupa at Motorsiklo sa TOPS Usapang Sports sa NPC kahapon. Kasama si JTUBMMAX President/COO Ferdinand Munsayac, Coline Biron TOPS Prexy Ed Andaya at mga atleta.

HINANDUGAN ni Balai Cagayano COO Vergel Glorioso si Juego Todo Underground Battle MMA X Champ Genil Francisco ng premyong Bahay, Lupa at Motorsiklo sa TOPS Usapang Sports sa NPC kahapon. Kasama si JTUBMMAX President/COO Ferdinand Munsayac, Coline Biron TOPS Prexy Ed Andaya at mga atleta.

Ayon kay Underground Battle Mixed Martial Arts (UGBMMA) founder Ferdie Munsayac, ang nasabing sports ay ngayong pa lamang nakikilala sa bansa ngunit lumalaki na ang komunidad nito.

“Ang Juego Todo, na isang weaponized cage fighting na unang ipinakilala natin dito sa bansa nun 2014, ay nagpakita ng angking kakayahan ng mga Filipino fighters,” pahayag ni Munsayac sa 53rd “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club in Intramuros kahapon ng umaga.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“We did it in Sta Ana, Cagayan and produced our first champion in Genil Francisco last Dec. 20. But we don’t want to stop from there,” dugtong pa ni Munsayac, na umaasang lalo pang makahihikayat ng mas maraming fighters mula sa ibang bahagi ng bansa.

Naniniwala si Munsayac na ang mga Pinoy ay mayroong angking galing para magpakitang gilas sa Juego Todo dahil sa aral umano ang mga Filipino martial arts simula pa nung araw ng ating mga ninuno.

“Juego Todo is like bringing in the modern-day Filipino gladiators, or the arnisadors as we know them, and putting them in the modern-day arena, which is called octagon in the MMA,” pagsasaad ni Munsayac, na isang retired United States Navy chief petty officer na mas lalong kilala sa tawag na “Papa Goat” sa local at international MMA community.

“This year, we will stage juego todo competitions in Metro Manila and we are inviting interested fighters to join in our qualifying tournament scheduled in April,” anunsyo pa ni Munsayac sa lingguhang session na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.