Giniba ni Asian Para Games champion Fide Master Sander Severino kontra si Sherwin Tiu sa seventh round at final round para makopo ang titulo sa Open division.
Namayagpag naman si International Arbiter at Fide trainer James Infiesto, coach ni Severino para sa dobleng tagumpay sa Para Games team ng maghari sa executive division, bida din si youthful Eric Labog Jr.ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) sa Las Pinas City na nanaig sajunior class habang nakaungos naman si Far Eastern University-FERN College , Diliman, Quezon City bet Oscar Joseph Cantela kay Lemmuel Jay Adena sa tiebreak sa kiddies plum in ng third Chooks-to-Go National Rapid Chess Championship nitong Enero 25 na ginanap sa Exhibition Hall 5/F, Ayala Malls Manila Bay, Diosdado Macapagal Avenue, corner Aseana Avenue sa Paranaque City.
Ang 34-years-old Silay City, Negros Occidental ace Severino ay tumapos ng 6.5 points tungo sa titulo ng Open section sa 1-day Fide rapid event.
Nalagay naman si Tiu sa pagsalo sa 2nd hanggang 4th kasama sina 13-time Philippine Open champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. at 2018 Olympiad qualifier Fide Master Mari Joseph Turqueza na may 6 points.
Magkasalo sa 5th hanggang 11th na may tig 5.5 points ay sina country’s lone woman grandmaster Janelle Mae Frayna, International Masters Daniel Quizon, Jan Emmanuel Garcia, Paulo Bersamina at Ronald Dableo , Fide Masters Nelson “Elo” Mariano III, at Austin Jacob Literatus. Ang event hosted nina Philippine Executive Chess Association president Dr. Alfredo “Fred” Paez at Rotary Club of Nuvali president Christopher Sarmiento na suportado naman ni Bounty Agro Ventures Inc. president Ronald Daniel Ricaforte Mascariñas sa pakikipagtulungan ng Paranaque City government, Ayala Malls at National Chess Federation of the Philippines chairman/pressident Rep. Prospero “Butch” Pichay Jr.
Sa executive division ay nakapagtala si 51 year-old Infiesto ng Davao City ng six points tungo sa titulo sa taong ito. Ang nakabuntot na sina Arena Grandmaster Robert Arellano, United States chess master Arjoe Loanzon at Information Technology expert Joselito Cada ay magkasalo sa second hanggang fourth places ayon sa pagkakasunod sa scheduled seven-round Swiss System format.
Sina Arellano, Loanzon at Cada ay may naitalang tig 5.5 points habang pasok din si Gary Abano sa top five list dahil sa superior tie break points sa grupo ng five pointers na kinabibilangan nina National Master Efren Bagamasbad Jr., Cyrus Donasco at Deoferio Vehemente Jr. “I’m so much elated with the victory,” sabi ni Infiesto.
Nagpakitang gilas din si Oscar Joseph Cantela sa pagkopo ng kids’ division na angat sa 36.5 tie break points sa FEU team mates na si Lemmuel Jay Adena na may 33.5 habang si Labog Jr. ang nanguna sa juniors’ class via perfect 7 points para lagpasan sina Leonel Escote at Lorenzo Cantela na may tig 6.5 points.