Ikinasiya ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez ang panalo ni Hidilyn Diaz sa Weightlifting 2020 Roma World Cup, Martes ng gabi na ginanap sa Rome Italy.

Diaz

Ayon kay Ramirez inasahan na ng PSC na magwawagi si Diaz, dahilsa ipinakita nitong determination na manalo upang makapasok sa 2020 Tokyo Olympics.

“We are very proud of her. We expected no less because we see her training and we know she can. We are supporting her on her efforts to qualify for the Olympics,”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sinabi pa ng PSC chief na isa si Diaz na lubos na sinusuportahan ng ahensiya para sa kanyang kampanya sa Olimpiyada.

“ She is one of those athletes on whom we are anchoring our dreams for an Olympic gold. Congratulations Hidilyn! “ Pahayag ni Ramirez.

Nakuha ng 28-anyos na pambato Ng Zamboanga City na si Diaz ang kabuuang 212 kilograms, 93kg sa snatch at 119kg sa clean and jerk.

Kabuuang tatlong gunting medalya Ang nakuha ni Diaz buhat sa nasabing kompetisyon.

Makakakuha ng tiket para sa Olympics si Diaz Kung mananatili Ito sa top 10 ranking sa kanyang weight category.

Sa kasalukuyan ay nasa ikaapat na puwesto ang 2016 Rio Olympics silver medalist na si Diaz sa likod ng apat na Chinese weightlifters.

Gayunman, isang atleta lamang kada-bansa ang pinapayagan ayon sa Olympic rules.

Dahil dito, pasok sa No. 2 spot si Diaz sa teknalikadad.

Isang qualifying game na lamang ang lalahokan ni Diaz upang pormal nang makapasok sa Olimpiyada.

Sasabak si Diaz sa Asian Championship sa Kazakhstan ngayong darating na Abril.

-ANNIE ABAD