PATULOY ang international exposure ng mga Pinoy age-group swimmers mula sa Swim Pinas, Philippine BEST at Swim League Philippines sa pagsabak ng 17-man team sa 2020 Tokyo Swimming Winter Championships sa Pebrero 1 sa Setagaya, Tokyo, Japan.

PHILIPPINE B.E.S.T.! Kabilang sina (mula sa kaliwa) Brendan Daniel P. Viñas, Iris Justine R. Salagubang, Erick James P. Bargado, Renz Carl A. Savalbaro, Dawn Martina M. Camacho, Natasha Faith M. Manalo at Veejay Zantino C. Virtucio sa Swim League Philippines-Philippine Swimming Inc.-sanctioned team na sasabak sa 2020 Tokyo Swimming Winter Championship sa Setagaya, Tokyo, Japan.

PHILIPPINE B.E.S.T.! Kabilang sina (mula sa kaliwa) Brendan Daniel P. Viñas, Iris Justine R. Salagubang, Erick James P. Bargado, Renz Carl A. Savalbaro, Dawn Martina M. Camacho, Natasha Faith M. Manalo at Veejay Zantino C. Virtucio sa Swim League Philippines-Philippine Swimming Inc.-sanctioned team na sasabak sa 2020 Tokyo Swimming Winter Championship sa Setagaya, Tokyo, Japan.

Sa pangangasiwa ni coach Virgilio de Luna, target ng mga batang swimmers na mapabilis ang personal best time laban sa host team at ibang pang karatig na bansa sa Southeast Asia at bilang paghahanda na rin sa nakahandang qualifying meet para sa pagpili ng mga miyembro na maisasama sa ASEAN age group championship.

“Malaking bagay po ang international exposure ng ating mga swimmers. Mas mabubuild-up yung confidence nila, mas madali silang makaadopt sa kompetisyon at mawala yung kaba,” pahayag ni team manager Joan Mojdeh, founder ng Swimming Pinas Swim Club.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nagsasagawa ng buwanang torneo ang Swim Pinas, batay sa programa ng PSI sa grassroots level, ngunit iginiit ni Mojdeh na malaki ang naitutulong sa pag-unlad ng mga batang swimmers ang paglahok sa kompetisyon abroad.

“Kami naman po sa Swim Pinas ay talagang naghahanap ng mga tutulong para maponduhan ang ating mga swimmers. Regular ang aming mga tournament, pero iba pa rin ang build up pag may exposure abroad,” sambit ni Mojdeh, ina ni National junior record holder Jasmine Mojdeh.

Kabilang sa mga atletea na tumulak patungong Tokyo kahapon sina Enkhmend de Leon Enkhmend, Michelle Toni R. Murphy, Stephanie Denise E. Elumbaring, Ashley Anne Alvarez, Veejay Zantino C. Virtucio, Renz Carl A. Sabalvaro, Lanz Vinzon Lopez, Jah Zeel An Rosario, Jah Leel An Rosario, Marcia Isabelle Ferrer, Erick James P. Bargado, Natasha Faith M. Manalo, Iris Justine R. Salagubang, Dawn Martina M. Camacho at Brendan Daniel P. Viñas.

Kasama rin bilang assistant coach sina Rossbenor Antay at Johnson Maulion.