Natagpuan na ang bangkay ng siyam na biktima ng helicopter crash na kumitil sa buhay ng NBA superstar na si Kobe Bryant sa mismong crash site nito sa Calabasas, California.

kobe pic

Ito ang kinumpirma ng ng mga awtoridad, kahapon, Miyerkules (Martes sa US) kung saan kinilala ang bangkay ni Byrant sa pamamgitan ng fingerprints nito, ayon sa Los Angeles County Department of Medical Examiner-Coroner.

Tatlong katawang ang natagpuan wasak at nakakalat sa lugar ng pinangyarihan na noong Linggo ng hapon (Lunes sa Pilipinas), habang ang iba pang biktima ay natagpuan noong Lunes (Martes sa Pilipinas).

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Tapos na rin na mainspeksyon ng mga imbestigador ang crash site kung saan ay naghihintay na lamang ng pahayag buhat sa mga lokal na awtoridad para sa karagdagang impormasyon ng nasabing trahedya.

Si Bryant ay nasawi kasama ng kanyang 13-anyos na anak na si Gianna at ng pitong iba pa, patungo sa women’s basketball game sa nasabing lugar