Magiging panauhing pandangal ngayong araw na ito ang JUEGO Todo, ang Filipino-inspired sport na cage fighting,sa lingguhang forum ng ika- 53rd “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) na ginaganap sa National Press Club sa Intramuros.

Sina Genil Francisco,ang unang Filipino juego todo champion,at si Ferdie Munsayac, ang founder-organizer ng Underground Battle MMA, ang siyang magsasalita ukol; sa nasabing paksa sa programa na magsisimulaganap na 10 ng umaga.

Sina Francisco at Munsayac ay magsasalita tungkol sa mga plano ng nasabing sports na juego todo at ang mga serye ng events na magaganap ngayong taon na ito.

Inaanyayahan ni TOPS president na si Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga officers at members, gayundin ang mga kaibigan sa buong sports community, na dumalop sa nasabing forum na ito na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at ng HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Ang TOPS ay binubuo ng mga editors, reporters at photographers buhat sa iba’t ibang nagungunang national tabloids sa bansa pati ang mga online media.

Mapapanood din ang live streaming ng TOPS “Usapang Sports” sa Facebook live g Glitter Livestream ng actor-director na si Carlo Maceda.