SINONG producer ang hindi gaganahang magproduce kung ang pelikula ang naging topgrosser sa nakaraang MMFF to date Viva Films Miracle In Cell No.7 grossed 500 M, and still counting, isang pagpapatunay na buhay na buhay ang Philippine Cinema.
Sa thanksgiving party ng Viva sa Novotel sa Araneta Center ay inilatag ng kompanya ang planong gumawa ng 34 films sa iba’t ibang format ngayong bagong dekada at gugugulan ng P1 bilyon.
Patuloy na mamayani ang local adaptations ng mga foreign hits. On top of the list ay ang action packed A Hard Day na ang bida ay si Dingdong Dantes.
May kasagutan ang Viva sa onslaught ng mga superheroes ng Marvel at DC trending globally.
Mula sa creative minds ng National Artists Francisco Coching at komiks king Carlo J. Caparas ay bubuhayin muli ang Pinoy superheroes like Pedro Penduko at Gagambino.
Napalawak ng Viva ang panlasa ng Pinoy moviegoers by presenting experimental at mapangahas na paksa. Online content turned commercial release at adaptations na may Pinoy twist.
Ilan sa mga Viva Artists na dumalo at nakisaya ay sina Janno Gibbs, Xian Lim, Andre Paras, Ryza Cenon, Xia Vigor, Direk Joel Lamangan at iba pa.
-REMY UMEREZ