NAG-TWEET ng “I love you my honey” si Ogie Alcasid para palubagin ang loob ng asawang si Regine Velasquez na na-bash dahil sa kanyang tweet na #RIPCoby pakikiramay sa pagkamatay ni Kobe Bryant, sa halip na “Kobe” ay “Coby” ang kanyang nasulat.

Regine

Dahil sa maliit na pagkakamaling ‘yun, na-bash si Regine, kaya muli itong nag-tweet ng “I always make a mistake with spelling someone name you can correct me without embarrassing me and it’s ok. I have dyslexia I have a hard time with spelling. Please be kind again you can correct me without making me feel bad.”

Marami ang nakaintindi kay Regine at totoo namang marami sa atin ang nagkakamali sa spelling at pangalan nang ating gustong tukuyin. Pinayuhan si Regine na ‘wag nang pansinin ang bashers na kaligayahan na ang manakit ng damdamin ng tao.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pero, may ilan pa ring hindi maka-move on dahil ang katuwiran nila, iba ang dyslexia sa spelling at ipinaalala kay Regine na hindi ‘yun ang first time na nagkamali siya nang pagtu-tweet o pagpo-post sa Instagram (IG).

-Nitz Miralles