NAGLULUKSA ang buong mundo, higit ang sports fan sa biglaang pagpanaw ng isa sa mga NBA Greats na si Kobe Bryant nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Sakay si Kobe, anak na si Gianna, 13, at pitong kasama ng helicopter nang aksidente itong bumgasak sa bulubunduking bahagi ng Calabasas, California.

Bumuhos ang emosyon at nagbigay ng kanilang iba’t ibang saloobin ang mga manlalaro ng NBA na naging nalalapit na kaibigan ni Bryant.

Sa Pilipinas, ikinabigla rin ng mga Sports icon gaya nina Senator at boxing great Manny Pacquiao at PBA icon Ramon ‘El Presidente’ Fernandez ang pagkawala ng 41-anyos five-time NBA champion at two-time Olympian.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ikinalungkot ni Pacquiao ang biglaang pagkawala ni Bryant na kanyang ding naging kaibigan.

“Nalukungkot ako kasi nawalan ako ng isang kaibigan. Nakikiramay ako sa mga naiwan ng paborito nating NBA player. Ipagdasal po natin siya ang anak niya at ang pamilya niya,” ayon kay Pacquiao.

Ayon naman kay Philippine Sports Commission (PSC) commissioner ba si Fernandez, sa isang panayam sa kanya, gaya ng iba, nagulat din umano siya sa nangyari.

“It is a shocking news indeed for the sports community, especially the basketball community,” ayon Kay Fernandez sa isang panayam sa kanya.

Ayon pa sa dating Most Valuable Player ng PBA, ang trahedyang nangyari kay Bryant ay isang patunay na Hindi dapat na marangya ang pamumuhay ng isang tao, ngunit kailangan din na may maiambag siyang magandang bagay na mag-iiwan ng inspirasyon sa ibang tao.

“It is very tragic, he was so young, just 41. This incident will allow us to think about life, like Kobe, he did not just get so rich but he made a difference. That is what is important. Making a difference,” pahayag pa ni Fernandez.

-Annie Abad