LOS ANGELES (AP) — Ipinagpaliban ng NBA ang nakatakdang laro ng Los Angeles Lakers at Clippers nitong Martes (Miyerkoles sa Manila) matapos ang aksidente na ikinamatay ng nagretirong superstar na si Kobe Bryant, anak na si Gigi at pitong iba pa nang bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter.

Ipinapabas ng liga ang desisyon sa opisyal na pahayag nitong Lunes: “It was made out of respect for the Lakers organization.”
Naganap ang aksidente nitong Linggo at nalaman ito ng Lakers habang pabalik mula sa laro laban sa Philadelphia – hometown ni Bryant. Ikinabigla ni LeBron James at ng buong Lakers ang kaganapan.
“The Los Angeles Lakers would like to thank all of you for the tremendous outpouring of support and condolences,” pahayag ng Lakers organization. “This is a very difficult time for all of us.”
PInalibutan ng ilaw na may kulay purple at gold ang labas ng LAX bilang paggunita kay Bryant at pakikidalamhati ng Los Angeles community sa pamilya.
Naglaan ang 16-time NBA champion franchise ng ‘grief counselors’ para sa mga empleyado na labis na naapektuhan nang biglaang pagpanaw ng sports icon. Nagretiro si Bryant matapos ang 20 season sa Lakers.
Naging malapit si Lakers owner Jeanie Buss kay Bryant, at ang Lakers general manager na si Rob Pelinka ang dating agent ni Bryant.
Tanging si Dwight Howard ang nalalabing player sa Lakers line-up na nakasama sa laro si Bryant sa prangkisa noong 2012-13 season, ngunit naging malapit siya sa mga bagong players ng Lakers.
Magkasangga sina James at Bryant sa U.S. Olympic teams noong 2008 at 2012, kung saan backup player si Anthony Davis sa 2012 London Olympics team.
Ililipat ang naturang laro sa susunod na linggo. Ang sunod na laro ng Lakers ay sa Biyernes sa LAX kontra Portland.

ng San Antonio Spurs. (AP Photo/David Banks)
Nangunguna ang Lakers sa Western Conference standings at No.2 sa NBA overall standings (36-10).
KINGS 133, WOLVES 129 (OT)
Sa Minneapolis, hataw si Buddy Hield sa career-high 42 puntos para sandigan ang Sacramento Kings sa 133-129 overtime victory kontra Minnesota Timberwolves nitong Lunes (Miyerkoles sa Manila).
Nag-ambag si De’Aaron Fox ng 22 puntos para sa Kings, tampok ang put back dunk para sa 33-11 run sa huling 5:42 ng regulation.
Nanguna si Andrew Wiggins sa Wolves na may 36 puntos, siyam na rebounds at walong assists.
BULLS 110, SPURS 109
Sa Chicago, ratsada si Zach LaVine sa natipang 22 puntos, tampok ang dalawang clutch foul shots may 2.1 segundo sa laro para maisalba ang Bulls kontra San Antonio Spurs.
Naghabol ang Bulls sa 10 puntos na bentahe at namayagpag si LaVine sa duwelo kay DeMar DeRozan sa kabuuan ng laro. Naisalpak ni DeRozan ang pahirapang fadeway jumper para maitabla ang iskor sa 108-all may 8.6 segundo ang nalalabi.
Nakaganti si LaVine ng dalawang ree throws mula sa foul ni Jakob Poetl.
Kumabig si DeRozan sa naiskor na 36 puntos at 10 rebounds sa San Antonio, habang kumasa si Patty Mills ng anim na 3-pointer para sa kabuuang 25 puntos.
HEAT 113, MAGIC 92
Sa Miami, naitala ni Bam Adebayo ang ikatlong career triple-double ngayong season, habang nagsalansan si Duncan Robinson ng 21 puntos sa panalo ng Miami Heat kontra Orlando Magic.
Tumapos si Adebayo na may 20 puntos, 10 rebounds at 10 assists. Kandidatio siya sa eeserve selection para sa All-Star Gam.
Nag-ambag si Jimmy Butler ng 19 puntos, tumipa si Goran Dragic ng 14 at umiskor si Tyler Herro ng 13 puntos para sa Miami.