LABIS ang pasasalamat at paghangang bagong Kapuso actor na si Jon Lucas kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na first time niyang makakatrabaho sa first teleserye niya sa GMA Network, ang Philippine adaptation ng Korean Drama na Descendants of the Sun (dotsph).

Jon Lucas DOTS ph

“Biggest project ko pong gagawin ito, I will play the role of Harry Potter sa story,” kuwento ni Jon nang bisitahin sa pictorial nila ng cast. “Labis ko po talagang ikinatuwa na nakasama ako sa project na ito. Fifteen years old pa po lamang ako, hindi pa ako artista nang mapanood ko ang original Korean drama at humanga na ako, iyon pala isa ako sa magiging characters ng drama-action series ngayon.”

Isa sa mga sundalong nag-training si Jon, hindi ba siya nahirapan sa military training na ginawa nila sa mga totoong military men?

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Mahirap po talaga, pero su-surrender ka ba kung makikita mo naman ang mga kasama mo na inspirado sa ginagawa nila, lalo na si Kuya Dong na kuyang-kuya sa amin, laging nakangiti, parang hindi nahihirapan. Tinulungan niya kaming bumuo ng Alpha Team sa pag-portray namin ng kani-kanilang character, simula sa orientation, training, mapi-feel mo na welcome kami sa kanya. Madali ko po silang nakagaanan ng loob, mahihirap po ang mga action scenes, pero ini-enjoy namin. Iisipin mo lamang na ganito pala kahirap ang ginagawa ng mga sundalo para tayo maprotektahan.”

Dating talent si Jon sa Kapamilya Network pero lumipat siya sa GMA bago natapos ang 2019.

“Dito ko po tinapos ang 2019 at sinimulan ang 2020, at labis-labis po ang pasasalamat ko sa GMA sa pagtanggap nila sa akin,” pasasalamat pa ni Jon.

Ang “Descendants of the Sun” ay nagtatampok sa all star cast, kasama rin sina Jennylyn Mercado, Rocco Nacino, Jasmine Curtis Smith, sa direksyon ni Dominic Zapata. World premiere nila sa February 10, after ng Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday sa GMA Primetime Telebabad.

-NORA V. CALDERON