NAPIGILAN ng Ateneo High School, sa pangunguna ni goalkeeper Artuz Cezar, ang tangkang sweep ng Far Eastern University-Diliman sa first round ng UAAP Season 82 High School Boys’ Football Tournament sa krusyal na goalless draw nitong Linggo sa Rizal Memorial Stadium.

NAABATAN ng Ateneo ang pagtatangka ng FEU na mawalis ang first round ng UAAP boys football.

NAABATAN ng Ateneo ang pagtatangka ng FEU na mawalis ang first round ng UAAP boys football.

Nanatili sa ikalawang puwesto ang Blue Eaglets tangan ang pitong puntos.

Matapos ang sablay sa dalawang pagtatangka ni Eric Laurel, tinangka pa ng defending nine-time champions na maiuwi ang panalo ngunit matatag ang depensa ni Cezar.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

“Artuz is a very experienced goalkeeper,” pahayag ni Ateneo head coach Dodjie Locsin. “In fact, that is one of our strengths. I have never seen a goalkeeper who played like that for the past three years.”

“I guess the team is really motivated. They have beaten [FEU] last year, so we used it as a fuel for them. We always believe that training is just twenty-percent, eighty-percent is all mental,” aniya.

Nalagpasan ng University of Santo Tomas ang De La Salle-Zobel sa team standings sa pagtatapos ng first round (2-1).