NANATILING buhay ang pag-asa ni national karateka Junna Tsukii para sa kanyang 2020 Tokyo Olympic berth matapos na makasikwat ng isang bronze medal buhat sa 2020 Karate1 Premier League na ginanap sa Paris kamakalawa.
Napataob ng Fil-Japanese na si Tsukii ang kanyang kalaban na pambato ng Venezuela na si Yorgelis Salazar 2-0 sa female -50kg kumite event .
Ito Ang ikalawang bronze medal na nakuha ni Tsukii kung saan una siyang nakakuha sa kompetisyon na ginanap sa Chile dalawang Linggo pa lamang Ang nakakalipas.
Dahil dito nakakolekta na ng kabuuang 900 puntos si Tsukii matapos ang dalawang Olympic qualifying tournaments na kanyang nilahokan.
Si Tsukii ay isa sa mga atletang nagbigay ng gintong medalya sa bansa buhat sa 30th Southeast Asian Games (SEAG).
Nakakuha naman ng suporta ang nadabing atleta buhat sa Philippine Sports Commission(PSC) para sa kanyang kampanya sa 2020 Tokyo Olympics.
Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay Wala pa ring linaw ang diumano’y ginawang pambu bully ng kanyang coach na si Okay Arpa sa kanya matapos siyang magwagi ng ginto sa nakaraang biennial meet.
Nito lamang nakaraang Disyembre nang mag post sa kanyang social media accout si Tsukii sa diumano’y pagbabalewala ng kanyang head coach na si Arpa sa kanyang nakuhang gintong medalya sa SEA Games.
-Annie Abad