MARAMI ang hindi makapaniwala na sa isang aksidente magbubuwis ng buhay ang NBA legend na si Kobe Bryant.

Sa kasaysayan ng international sports, ilang aksidente rin sa himpapawid ang naging mitsa sa pagkamatay ngiba pang sportsting heroes. Narito ang talaan na inilabas ng AFP wires nitong Linggo (Lunes sa Manila).

1958: Manchester United

Bumagsak ang eroplanong sakay ang mga miyembro ng Manchester United’s ‘Busby Babes’ sa Germany habang pabalik mula sa European Cup match isa Belgrade. Walong players at tatlong staff members ang nasawi. Noong 1968 nagwagi ang Matty Busby sa United’s Old Trafford stadium na kalauna’t pinangalanan nilang ‘Munich Tunnel’ sa ika-50- taong paggunita sa insidente.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

1961: US Figure Skating

Nasawi ang lahat ng 18 atleta ng US figure skating team nang bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila sa Brussels airport. Patungo sila sa Prague para sa World Championships. Kinansela ang naturang torneo at iniluklok ang buong team at ang kanilang coach sa US Skating Hall of Fame noong January 2011.

1972: Old Christians Rugby Club

Nalagasan ang Uruguayan team ng 12 player nang bumagsak ang sinasakyang eroplano patungong Santiago, Chile sa bulunbunduking bahagi ng Andes mountain range. Matapos maubos ang nakolektang pagkain, napilitan ang mga survivors na kumain ng laman ng mga nasawing pasahero bago sila natagpuan ng rescuermatapos ang 71 araw. Nailathala ang insidente sa libro, documentaries atr naisapelikula. Hanggang sa ngayon, dinadayo ng mga hikers ang lugar.

2016: Chapecoense

Bumulusok ang charter flight sa Colombia mula sa Bolivia na lulan ang 77 katao, kabilang ang 19 miyembro ng Brazilian side’s squad na lalaro sa Copa Sudamericana final. Ipinagkaloob ang titulo sa koponan batay na rin sa kahilingan ng kanilang karibal na Atletico Nacional.

2018: Vichai Srivaddhanaprabha

Namatay si Leicester City owner Vichai sa helicopter crash sa labas ng King Power stadium.

2019: Emiliano Sala

Pumanaw ang Argentinian striker nang bumagsak ang eroplanong sinsakyan mula Nantes patungong Wales upang lumagda ng kontrata sa Premier League club Cardiff City.