NAISALBA ng San Miguel Beer-Alab Pilipinas ang matikas na pakikihamok ng Hong Kong tungo sa manipis na 77-76 panalo nitong Biyernes sa Season 10 Asean Basketball League (ABL) sa Southorn Stadium sa Wan Chai, Hong Kong.
Umarya ang tropa ni coach Jimmy Alapag sa 55-36 bentahe, ngunit nagawa itong mahabol ng Hong Kong sa ikatlong yugto ng laro at naibaba sa 71-74 mula sa back-to-back baskets sa krusyal stretch.
Nanguna si King na may 24 puntos, pitong rebounds, isang assist at isang block para sa Alab, habang kumasa ang 7’5 Maltese import na si Deguara ng 12 puntos, pitong rebounds at isang block para muling iangat ang Alab Pilipinas sa ikalawang puwesto sa kanilang 6-3 win-loss kartada sa likuran ng solo leader Mono Vampire na may 8-3 slate.