BALIK-SHOWBIZ na si dating Senador Jinggoy Estrada at inaming nangangapa siya sa muli niyang pagharap sa camera dahil pitong taon siyang nawala kaya panay ang sabi niya kay Sylvia Sanchez na alalayan siya sa mga eksena nila sa gagawing pelikulang may titulong Coming Home mula sa Maverich Films at line produce ng ALV Films.

COMING HOME

Kuwento ni Senator Jinggoy sa ginanap na mediacon, “excited to work with the multi-awarded actors and actresses, si Bisaya (Sylvia), first time to work with her. Sabi ko nga during my past interviews, the only fear that I have is I might not be in terms of acting. Because I have been inactive in movies in the past seven years. Sa tagal kong nawala, 7 years, sabi ko nga tuturuan niya akong umarte, tingnan natin. I’m very happy kasi babalik na ako sa una kong minahal ang pag-aartista.”

Drama ang genre ang Coming Home kaya natanong si sen. Jinggoy kung bakit ito ang tema ng pelikula niya gayung nakilala siya bilang action star tulad ng amang si dating Presidente Joseph Estrada.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

“Unang-una kung gagawa ako ng action movie, walang maniniwala sa akin, siyempre may edad na tayo, wala nang maniniwalang makikipag barilan pa ako. Well, as an actor, you have to be versatile, once you’re an actor, kailangan marunong kang magpatawa, magpaiyak, kaya siguro tinanggap ko ‘tong role na ‘to, it’s a challenge for me lalung-lalo na dramatic actress ‘tong leading lady ko (Sylvia),”paliwanang ng senador.

Ang Katas ng Saudi (2007) ang huling pelikula ng aktor na medyo dramedy at OFW rin ang karakter ni Jinggoy, kaya ano ang pagkakaiba nitong Coming Home na planong isali sa 2020 Summer Metro Manila Film Festival.

Inaalaska naman ng ilang reporters si Jinggoy kung may konting katotohanan ang kuwento ng Coming Home sa totoong buhay sa karakter niya dahil may ibang babae siya rito na gagampanan ni Ariella Arida na idinaan lang sa tawa ng dating senador.

“Sanay tayo d’yan,” tumawang sagot ni Jinggoy. Sabay bawi, “joke lang.”

Dire-diretso na ba ang pagbabalik sa showbiz ni senador Jinggoy, “I hope so. Saka maganda ang istorya nito plus ang sexy nitong katabi ko (Sylvia).”

At si Ariella na kabit ni Jinggoy sa pelikula, “oo nga, sabi ko nga ang sexy.”

Ang ibang kasama sa Coming Home bukod kina Jinggoy, Ariella at Sylvia ay sina Jake Ejercito, Julian Estrada, Martin Del Rosario, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Smokey Manoloto, Almira Muhlach, Jana Agoncillo, Channel Morales, Alvin Anson at iba pa mula sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

-Reggee Bonoan