Isang magandang balita—na tiyak na ikatutuwa ng lahat sa gitna maraming balita patungkol sa mga kalamidad, karahasan at kumakalat na virus sa ibang bansa—para sa mga taga Metro Manila at iba pang kostumer ng Manila Electric Co. (Meralco) dahil magkakaroon ng bawas sa singil sa kanilang electric power bills ngayong buwan ng Enero.
Bumaba ngayong buwan ang power rates sa 41 centavos per kilowatt-hour (kwh). Para sa isang tahanan na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hours kada buwan, nangangahulugan ito ng bawas na P82 sa kanilang monthly bill.
Ang pagbaba ng power rates ngayong buwan ay dahil sa lower generation costs na nagkakahalaga ng 29 centavos per kwh, dulot ng Meralco’s power-supply agreements sa mga independent power producer. Ibinaba rin ng National Grid Corporation of the Philippines ang service charge nito sa 5.17 centavos per kwh. Habang ang buwis at iba pang charges ay bumaba rin ng 6.56 centavos per kwh. Lahat ng ito ay nakatulong upang mabawasan ang singil sa mga residential costumer ng Meralco ngayong Enero.
Isa naman itong magandang oportunidad para sa mga manufacturers upang pataasin ang kanilang produkisyon sa mahahalagang produkto. Makatutulong ang mababang power rates upang mabawasan ang kanilang overhead at operational costs, na maaaring magbigay-bawas sa presyo ng kanilang mga produkto.
Dapat pansinin na habang lahat ng presyo ay tumataas sa nakalipas na dekada, patuloy namang bumababa ang power rates sa Metro Manila, kaya naman kabilang ito sa kasalukuyan sa may pinakamababa sa bansa, higit na mas mababa kumpara sa karamihan ng electric cooperatives sa bansa. Maikukumpara rin ito ng mabuti sa consumer prices sa kabuuan. Sa nakalipas na pitong taon, mula 2012 hanggang 2019, nang tumaas ng 20 porsiyento ang Consumer Price Index, bumaba ng 10 porsiyento ang rate ng Meralco para sa 200-kwh households .
Sinabi naman ni Meralco spokesman Joe Zadariaga na sa darating na mga buwan ng tag-init, maaaring makaranas mula ng problema sa suplay. Inaasahan ng kumpanya ang pagtaas ng freight costs charged ng mga shipping firms na nangdadala ng kailangang langis para sa mga power plants upng makalikha ng elektrisidad.
Dapat tayong maging handa sa pagharap ng mga naturang problema na dala ng mainit na panahon na sinasamahan ng pamin-minsang pagdaan ng mga bagyo. Ngunit hindi naman ito dapat magpahupa sa ating saya para sa mas mababang electric bill ngayong buwan