NASA 600 residente ng San Fernando City, Pampanga ang nakilahok sa “Refill Revolution” at nagtungo sa Poblacion Basketball Court sa Barangay Sto. Rosario, dala ang kanilang mga recycled plastic bottles at containers, na pinuno ng mga condiments at iba pang produkto.

Ang “Refill Revolution” ay isang advocacy campaign ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) sa Central Luzon na layong labanan ang plastic pollution sa pamamagitan ng pagbawas sa produksiyon nito at pangangailangan.

Sa ginanap na aktibidad na inorganisa ng City Environment and Natural Resources (CENRO), nagkaroon ng oportunidad ang mga residente na makapag-refill ng mga kitchen condiments, laundry products, at iba pang household items sa pamamagitan ng pagdadala ng malinis at reusable bottles, containers at mga “eco bags”.

Ang mga produkto ay ibinebenta ng 50 hanggang 70 porsiyentong mas mababa kumpara sa aktuwal na retail price sa mga supermarkets.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon kay CENRO officer Regina Rodriguez, nais nilang maturuan ang mga residente na iwasan ang mga single-use plastics at sa halip ay isulong ang eco-friendly at mainam na paraan sa paggamit ng mga produktong platic.

“We are encouraging every household to avoid regular purchase of products in plastic sachets or containers. If possible, re-use plastic containers and grab every opportunity of refilling activities,” aniya, kasabay ng anunsiyo na isa pang Refill Revolution ang nakatakdang idaos sa February 21 bilang bahagi ng “Kaganapan” cityhood celebration.

Samantala, muli namang inihayag ni City Mayor Edwin David Santiago reiterated ang kanyang hangarin para sa San Fernando upang manatili itong “Zero-Waste City” sa kabila ng pag-unlad ng lungsod.

“We are the first-ever model of Zero Waste City in the whole country. Let us prove it by remaining educated and disciplined enough to protect and preserve our environment,” ani Santiago.

PNA