WALANG ideya si Khalil Ramos kung kasama pa siya sa pelikulang Darna ni Jane de Leon na ididirek ni Jerrold Tarog handog ng Star Cinema.

KHALIL

Nabanggit kasi noon ni Direk Erik Matti nu’ng siya pa ang direktor at ang gaganap na Darna ay si Liza Soberano na kasama si Khalil sa pelikula since co-manager siya ng aktor pagdating sa pelikula.

Sa nakaraang iWant digital series na Ampalaya Chronicles mediacon na ginanap sa URBN Bar, Timog Quezon City, ay sinolo namin ng tanong si Khalil tungkol dito.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I have no ideya po kasi hindi na nila ako binalikan, wala rin po akong naririnig pa,”saad ng binata.

Well, baka nga binago na lahat ang cast sa Darna movie lalo’t bago na ang bida, director nito maliban sa aktres na may importanteng role sa pelikula.

Going back to Ampalaya Chronicles ay inamin ni Khalil na bago ito sa kanya at talagang inaaral niya kaya naman nu’ng nag-perform ang spoken word artist ng Ampalaya Monologues na si Mark Ghosn ay talagang hindi nawala ang tingin ng aktor dahil ninanamnam niya ang bawat salitang binibitawan ng huli.

Sa Ampalaya Chronicles ay sina Khalil at Elisse Joson ang magkasama sa pilot episode na ADIK, isang mahiyaing manunula na si Carlo (Khalil) na ang tanging gusto lang ay mapalapit sa kanyang natitipuhang si Nina (Elisse).

Matutupad naman ang hiling ni Carlo, dahil lalapit si Nina sa kanya

upang humingi ng tulong sa pagsulat ng tula para sa talent portion ng beauty contest na sasalihan nito.

Sa paglalapit ng kanilang mga loob, hindi maiiwasan ni Carlo na umasang magustuhan na rin siya ng dalaga. Ngunit matapos ang kanyang oras na binigay, mapagtatanto ni ng binata na maaaring sa tula na lamang ang pag-iibigang kanyang inaasam.

Batay sa pyesa na may parehong titulo ang ADIK ng spoken word artist na si Carlo Hornilla na nakakuha ng 8.2 million views sa Facebook at ang kauna-unahang Pinoy spoken word performance na mnag-viral sa Spotify. Ang episode naman ay mula direksyon ni Real Florido, produksyon ng Firestarters Production, at isinulat ni Florence Henzon.

Sumabak sa hugotan at panoorin ang Ampalaya Chronicles sa iWant app o sa iwant.ph.

Samantala, kasama pala sina Khalil at ang kasintahang si Gabbi Garcia na in-unfollow na rin ni Julia Barretto sa Instagram. Ang ibang tinanggal na rin ng huli ay ang ex-boyfriend niyang si Joshua Garcia, Janella Salvador at Maja Salvador.

Ayon kay Khalil, “I haven’t talked to Julia about it, pero si Gabbi invited her for dinner. Pero we don’t really know. Pero as friends of Julia, we really support whatever she’s going through.

“We showed naman our support to her. Sabi namin, ‘We’re here whenever you need us, whenever you need someone to talk to.”

Dagdag pa ng binata, “Regarding the whole unfollow thing, I’m really clueless. But siyempre, it would be really nice to know, pero I respect it. If she doesn’t wanna talk about it, then I’m fine with that,”

Anyway, nagdiwang s Khalil ng kanyang 24 anyos noong Enero 22 at naibahagi niya kung paano niya ito isinelebra kasama ang kanyang one and only love, si Gabbi.

“Simple lang ang selebrasyon, tinanong ako ni Gab kung ano ang gusto kong gawin, sabi ko, I wanna start the new decade by learning new things, isa sa alam niyang gusto kong matutunan ay alternative brewing of coffee kasi sobrang mahilig ko sa kape and we went to coffee school on the 21st and we had dinner naman on the 22nd,”kuwento ng binata.

Nilinaw naman ng aktor na wala siyang planong magtayo ng coffee shop, “mahilig lang ako as a consumer, pero ‘yung mga itinuro sa amin, parang puwede na kaming gumawa ng coffee shop hanggang growing, itinuro.”

Tinanong namin kung ano ang pinakamasarap na kape sa kanya at kung saan siya madalas pumunta.

“Single origin means from one certain place, very local, very Pinoy ‘yung ginagamit nila, super excellent yung mga ginagamit nilsa, grown locally, sobrang sarap,” sabi ni Khalil.

At ang birthday wish ni Khalil sa sarili.

“Every January, lagi siyang nagiging test for me. New Year, di ba? Ang daming iisipin, New Year’s resolution, coming from the holidays, going back to work, and then celebrating my birthday. For me, it’s always kinda like a reset.

“Isipin ko kung ano yung plano this year and years, and the coming decade so, my birthday wish siguro is I want more clarity in terms of in the coming years, and more guidance towards the path I wanna to take in terms of my career. Thankfully, I’m very blessed with family that is very loving, na problem-free, and of course, the relationship that I truly treasure,”sabi ng aktor.

-Reggee Bonoan