TINANGGAP ni Manuel ‘Manny’ Bitog, isa sa mga pinagkalooban ng ’20 Years Loyalty Award’, sa ika-30 pagdiriwang ng pagkakatatag ng Philippine Sports Commission (PSC) nitong Biyernes sa Rizal Memorial Sports Center. Nasa larawan sina (mula sa kanan) Chairman William Ramirez, Commissioners Celia Kiram, Charles Maxey, Arnold Agustin at Ramon ‘El Presidente’ Fernandez.

PINANGALANAN ni Philippine Sports Commission (PSC) ang mga atleta na mangunguna bilang mga flag bearer at torch bearer para sa nalalapit na 10th ASEAN Para Games sa Marso 20-27.

Kabilang sa mga pangalan na binanggit ni PSC commissioner Arnold Agustin sina 2018 triple gold medalist para swimmer Ernie Gawilan, pati na si Rio Paralympics table tennis bronze medalist Josephine Medina at  2017 ASEAN Para Games medalist na si Xander Severino.

Ayon kay Agustin napili ang mga nasabing para athletes na manguna para sa delegasyon dahil sa kanilang ipinamalas na galing sa mga nakaraang kompetisyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Sila kasi 'yung mga most bemedalled para athletes natin," pahayag ni Agustin.

Naniniwala din ang nasabing commissioner na Kaya din na duplikahin Ng mga para athletes Ang naging tagumpay Ng Pilipinas sa nakaraang 30th SEA Games.

"Of course kaya natin na umangat for this competition. Nag excel na Yung mga para athletes natin Kaya Kaya nilang manguna sa competition na ito," ayon pa Kay Agustin.

Ang nasabing labanan ay magaganap sa Subic at New Clark City sa Tarlac City Pampanga. Annie Abad