GANAP na winalis ng Adamson University ang unang round ng UAAP Season 82 High School Girls’ Basketball Tournament matapos pasadsarin ang De La Salle-Zobel, 56-36, kahapon sa Paco Arena.

Angat lamang ng lima, 35-30 sa bungad ng third period,rumatsada ang Lady Baby Falcons at nagposte ng 14-2 blast upang palobohin ang kalamangan, 47-32, may

9:42 na lamang na nalalabing oras sa laro.

“Sabi ko sa kanila, ‘Face each opponent as if they are they are the strongest in the league para hindi nakukumpiyansa.’ Praise God kasi nung medyo pahuli na, mas naging okay laro namin,” pahayag ni Adamson coach Ewon Arayi.

Pinakamatandang 'Olympic champion,' pumanaw sa edad na 103

Pinangunahan ni Joan Camagong ang nasabing first round sweep ng Adamson sa 4-team tournament sa itinala nitong 13 puntos, 12 rebounds at 3 steals.

Nauwi naman sa wala ang itinala ni Achrissa Maw na 10 puntos at 23 rebounds at ang double double na tig-13 puntos at rebounds ni Jeehan Ahmed dahil di nila naisalba ang Junior Lady Archers na sumadsad sa markang 1-3.

Sa isa pang laban, nakabawi ang University of Santo Tomas sa nakaraang 70-81 kabiguan sa Adamson matapos pulbusin ang Ateneo High School, 112-27.

Pinamunuan ni Bridgette Santos ang panalo ng Junior Tigresses sa itinala nitong 17 puntos, 14 rebounds, 7 assists at 6 steals.

Dahil dito, tumapos ang UST na pangalawa taglay ang 2-1 na baraha habang nanatili namang winless ang Junior Lady Eagles.

Sa ikalawang laro, nagtabla sa ikatlong puwesto ang University of Santo Tomas at ang Ateneo de Manila makataang mamayani ng una sa huli, 79-74.

Dahil sa tagumpay, umangat ang Blue Eaglets sa barahang 6-5, panalo-talo kasalo ng kanilang biktima.

Nagsalansan si Francis Lopez ng 23 puntos, 12 rebounds at 2 blocks upang pamunuan ang kanilang panalo kontra Tiger Cubs.

Namuno naman sa nabigong Tiger Cubs si Jacob Cortez na may game high-24 puntos, 12 rebounds at 6 assists. Marivic Awitan

Iskor:

(Unang Laro)

ADU (56) - Camagong 13, Padilla 11, Amdad 9, Carcallas 8, Agojo 6, Miguel 6, Roy 3, Reyes 0, Pohen 0, Brutas 0.

DLSZ (39) - Ahmed 13, Maw 10, Cancio 8, Dela Paz 4, Salado 2, Mataga 2, Amol 0, Villarin 0, Udal 0, Ba 0.

Quarterscores: 18-12, 31-23, 43-32, 59-39.

(ikalawang Laro)

UST (112) - Santos B. 17, Araza 13, Tubog 12, Lacayanga 12, Danganan 11, Santos C. 10, Sison 9, Serrano 8, Rivera 8, Estudillo 6, Eroles 6.

AHS (27) - Sarmiento 9, Almeda 8, Doctor 6, Perez 2, Medina 2, Jimenez 0, Gonzaga 0, Co 0, Capayas 0, Baltazar 0.

Quarterscores: 32-7, 67-14, 92-19, 112-27